ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Animal AHA-dventure ngayong Linggo sa 'AHA!'


AHA!
Airing date: March 17, 2013

It’s summer! Time to take things easy and to relax and enjoy the sun! 
 
Dito sa AHA!, tuloy-tuloy pa rin ang pagtuklas natin ng iba’t ibang kaalaman habang nag-eenjoy.  Dahil bakasyon ang mga bata, mas marami na tayong panahon ngayon na makapamasyal sa iba’t ibang lugar kasama ang ating pamilya at mga kaibigan.   



Bilang buena-manong family field trip ngayong tag-init, iba’t ibang adventure kasama ang ating animal friends ang ating susubukan.  Si ka-AHAng Drew, makikipag-up close and personal sa mga ostrich, camel, bear cat, Japanese cow, alpaca at iba pang kakaibang hayop sa Zoocobia.



Bibisitahin naman ni ka-AHAng Enzo Pineda at ng kanyang sidekick na si Elijah ang isang kakaibang theme park sa Bulacan para maka-bonding ang mga tila buhay na buhay na mga dinosaurs!   Paano nga ba pinagagalaw ang mga animatronic figures na ito?   



Mga leon naman ngayon ang pinakabagong atraksyon sa Zoobic Safari sa Zambales na halos makadikitan na ng mukha ni ka-AHAng Maey B. dahil sa lapit nito sa kanya!   

Si ka-AHAng Boobay naman, pati mga hayop pinatulan sa pagandahan!  Sa isang zoo sa Tagaytay makikipagtagisan siya sa mistulang international beauty contest sa iba’t ibang animal friends na mula pa sa iba’t ibang bansa.  Alamin din ang ilang safetips na kailangang tandaan kapag lalarga sa mga ganitong lakaran.

Mula Bulacan, Pampanga, Bulacan at Zambales— walang humpay na saya at mga bagong kaalaman tungkol sa mga hayop ang hatid sa inyo ng AHA!, ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.