ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Balik-eskwela sa 'AHA!'


AHA!
Airing date: May 26, Sunday, 9:00 AM


Gawing AHA-mazing ang pagbabalik-eskuwela kasama ang AHA!



Naisip n’yo ba kung paano ginagawa ang mga gamit sa eskuwela? Aalamin ni Solenn Heussaff kung paano binubuo ang mga textbook at storybook na ginagamit natin sa ating mga aralin.  Ipapakita rin n’ya kung gaano kalaki at kakapal ang world’s biggest and thickest books. Habang si Drew Arellano naman ipapakita kung paano ginagawa ang Braille books for the blind. 

                    

Samahan din si ka-AHAng Drew sa kaniyang interview sa makukulit pero matatalinong mga bata. Paano nga ba nagiging natural na matalino ang mga wiz kids? May kaibahan ba ang brain activity nila kumpara sa mga ordinaryong bata?



Bakit kaya sinasabing matatalino raw ang apes? Totoo nga kayang nag-evolve daw ang tao mula sa apes? Aalamin ni ka-AHAng Boobay kung gaano nga ba katalino ang apes? Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao sa kanila?

Samahan si ka-AHAng Drew Arellano ngayong Linggo, sa AHA! 9am sa GMA.