ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Walang kukurap sa 'AHA!'


AHA!
MATA
Airing date: June 2, 2013, 9:00 AM


Baligtad talaga ang mundo, sa ating paningin! Kung ang nakikita ng ating mga mata ay baligtad, paano nga ba natin naitatama ang posisyon ng ating mga nakikita? Samahan si ka-AHAng Boobay na hanaping makita ang mga katotohanan tungkol sa ating mga mata at maging ng ating mga animal friends.



Totoo bang ‘what you see is what you get?’ Eh bakit kung minsan daw ay parang pinaglalaruan tayo ng ating mga mata? Welcome sa mundo ng optical illusions! Si ka-AHAng Enzo Pineda ang aalam kung paano nga ba ito ginagawa, at paano nadadaya ang ating mga mata.



May mga pagkakataon naman daw na tila lumalabo ang ating paningin. Anu-ano ba ang common eye defects at ano ang dahilan nito at paano ito puwedeng maiwasan?



At sa usapang-mata, ano naman itong sinasabing ikatlong mata o ‘third eye?’ Samahan si ka-AHAng Maey B. na busisiin ang misteryo sa likod ng usaping ito. May ‘third eye’ din kaya si Maey B.?

Walang kukurap!   Bubusugin namin ang inyong mga mata at isipan ng AHA-mazing science lessons ngayong Linggo, sa AHA! 9:00 ng umaga sa GMA.
Tags: plug, aha, eyes