ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Small But Terrible!' sa AHA!


AHA: “SMALL BUT TERRIBLE”
Date of airing: June 16, 2013, Sunday, 9:00 AM

 
May kasabihang: ‘Walang malaking nakapupuwing.’  May maliliit daw na kung minsan ay mas kahanga-hanga at nakabibilib.  Dadalhin tayo niDrew Arellano sa isang science adventure...sa mundo ng mga maliliit!



Pagkaliit-liit man ng mga langgam, nakaka-wow naman ang kanilang sipag at bangis. Nadiskubre kamakailan sa Pilipinas ang isang bagong uri ng langgam—ang’pirate ant’ na siyang binubusisi ngayon ng mga German scientist.  Samahan si ka-AHAng Boobay na alamin kung anu-ano ang  katangian ng mga ’piratang langgam’! Ipagmamalaki rin sa atin ni Kapusong Mikey Bustos ang kanyang di-karaniwang langgam collection.
 
Ang mga taong isinilang nang may dwarfism ay ipinaglihi ba sa dwende kaya hindi na lumaki?  Ano ba talaga ang kundisyong ito?  Kikilanin natin ang ilang‘little people’ na hindi nagpakabog dahil sa  kakulangan nila sa taas, dahil nag-uumapaw naman ang kanilang galing at talento.

 
Kailangan ’di ka pasmado kung gusto mong maging pintor, lalo na kung ang gagawin mo ay mga mini-painting na isang pulgada lang ang laki!  Makita kaya ni Drew ang mukha niya sa super-liit na portrait niya?   
Sisilipin rin natin ang ’utak’ ng ating mga paboritong gadget---ang microchip.  Halos lahat ng ating devices at gadgets ay pinatatakbo nito.  Sa pagdaan ng panahon ay paliit nang paliit ang microchip, pero palaki nang palaki ang powers nito!  
 
AHA-stig ka ba?  Wala nang atrasan sa hamon na ibibigay ni Rocco Nacino na tiyak na magpapaisip sa inyo!
 
Lahat ng ’yan ngayong Linggo sa AHA!, 9:00 ng umaga sa GMA.