ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHAng sweet na Linggo sa 'AHA!'


AHAng Sweet!
July 07, 2013 / Linggo
9:00 AM
 


 
Baka lusubin ang TV niyo ng mga langgam dahil sa tamis ng usapang-sweets sa AHA! ngayong Linggo.
 
Bukod sa sugarcane, aha-lam niyo ba na may iba pang pwedeng pagkunan ng pampatamis ng ating mga pagkain? Ang halamang ‘stevia’ ay hindi lang daw all-natural ang dalang tamis, zero-calories din! Ang ‘magic fruit’ naman, mahiwaga raw ang gagawin sa dila ni Maey B.dahil patatatamisin nito ang lahat ng kanyang  kakainin...kahit pa ang kalamansing maasim! Pero ano ba ang epekto ng asukal sa katawan, at paano na kung ikaw ay nasobrahan? May‘pasabog’ pa ang asukal, titingnan natin sa isang eksperimento! 
 

Siguradong ang taas ng energy ng ating bisitang celebrity kid na si Lenlen dahil siya ang titikim at magpapatakam sa atin ng sandamakmak na sweet treats! Tiyak na makatulo-laway ang makikitang mga espesyal na cake at cupcake na may kakaibang hugis at disenyo. Sisilipin din natin ang proseso sa paggawa ng hand-made candy sa isang natatanging candy store sa isang mall sa Makati.
 
Milyon-milyon na ang nahuhumaling sa Candy Crush. Kaytamis raw ng lasa ng tagumpay kapag nadurog mo na ang lahat ng candy sa sikat na digital game na ito.  Bakit nga ba patok na patok ang larong ito sa buong mundo?

Hindi lang daw mga tao ang may ‘sweet tooth’ dahil may mga hayop din na mahilig sa matatamis. Kilalanin natin ang tinatawag na sugar glider at ang honey bear. At uubra kaya ang ating mga ka-AHA sa hamon ng AHA-stig!?
 
Bawal ang maasim at mapakla, purong-tamis lang ang dalang adventures ni Drew Arellanongayong Linggo sa AHA! 9:00 ng umaga sa GMA.