ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"AHA-ng Laki!" ngayong Linggo sa "AHA!"




July 14, 2013 / Linggo
9:00 ng umaga
 
Kapre at higante, laman pa rin ng mga istoryang-bayan ang mga ganitong nilalang na kinatatakutan dahil sa kanilang bangis at sobrang laki. Pero sa ating mga tao ay may mga tunay na higante, na siyang haharapin ni Boobay. Ano nga ba ang ’gigantism’? 
 
Makalaglag-panga naman sa ’The Museum’ ang  replica ng istatwa ni Rameses na isang sinaunang Pharoah ng Egypt sa taas nitong 35 feet! Para sa isang giant kaya ang higanteng upuan na takaw-pansin sa E. Rodriguez Ave. sa Quezon City?  Sa Marikina City may sapatos na pang-higante rin, at si Mara Lopez bibisitahin naman ang mga big animals in the city.  May patikim rin ang mga giant robots at monsters sa pelikulang‘Pacific Rim’. Isang ‘big’ road trip ang pangungunahan ni Drew Arellano. 

Aha-lam niyo ba na pwedeng makapunggok sa mga bata ang school backpack nila na sobrang bigat? Pati ang mga batang kulang sa tulog, nababansot rin!  Paano ba ito kokontrahin? Alamin ang mga tangkad-tips. Isang ‘AHA-stig! hamon na naman ang naghihintay sa mga may time na pag-isipan ang kasagutan.  
 
Bigtime ang dating ng AHA! ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.
Tags: plug, aha, big