ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tuklasin ang mundo ng cosplayers sa "AHA!"


SUPER AHA!
July 21, 2013 / Linggo
9:00 ng umaga
 



May mga 'super' ang paghanga sa mga idolo nilang superheroes at anime characters. Kaya naman gagawin daw nila ang lahat para maging katulad ng mga ito- ginagaya ang kanilang kasuotan, mga sandata at kagamitan, kulay ng buhok, at maging kulay ng mga mata! Samahan natin si ka-AHAng Jennica Garcia at alamin kung paano nga ba manggaya ng paboritong superhero o anime characters sa pamamagitan ng costumed role play o 'cosplay.'
 
'Yung iba naman pati ang signature moves ng superheroes ay kuhang-kuha.  Samahan si ka-AHAng Boobay na subukan ang isang 'superhero workout' kung saan ang 'moves' ng mga superhero ang exercise para raw laging malakas at handa sa bakbakan.  Sisilipin natin ang mga galaw at eksena sa ipalalabas pa lang na 'The Wolverine' para gayahin ni Boobay.  May basehan ba talaga ang workout na ito sa siyensya? 


 
Matapos magpawis at magpagod sa superhero workout, diretso naman si Boobay sa 'themed cafes' gaya ng Movie Stars Café at Sci-Fi Café dahil maging ang mga superhero ay nagugutom din!

Bibisitahin din natin ang ilang amazing Pinoy animators na gumuguhit at nagbibigay-buhay sa iba't ibang superheroes at anime characters na kinikilala hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.   Uubra naman kaya ang ating mga ka-AHA sa panibagong hamon ng AHA-stig!? 
 
Samahan si Drew Arellano sa usapang-super at superheroes ngayong Linggo sa AHA!, 9:00 ng umaga sa GMA.
Tags: plug, aha, cosplay