ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Siksik-liglig, nag-uumapaw sa kaalaman ngayong Linggo, Aug. 4, sa "AHA!'







Paboritong laruan ng mga bata ang stuffed toys na siksik sa malambot na bulak sa loob. Pero alam n’yo bang nag-level up na rin ang paggawa ng stuffed toys? Ngayon, bukod sa iba’t ibang uri ng bulak na palaman o stuffing nito, puwede na rin daw itong siksikan ng scented pellets at lagyan ng sound effects!


Eeksena rin muli si Andoy, ang puppet version ni Drew Arellano! Samahan siya sa isang one-on-one interview sa puppet maker na mismong gumawa sa kaniya. Bukod sa stuffed toys, alam n’yo bang pati mga totoong hayop ay puwedeng lagyan ng stuffing? Kilalanin ang isang taxidermy enthusiast na may mahigit 50 stuffed animals na sa kaniyang collection kabilang na ang pagong, baboy, tarsier, lemur, paniki, isda at marami pang iba.

 
Samahan din si ka-AHAng Boobay para alamin ang proseso kung paano ginagawa ang ilan sa paborito nating stuffed food gaya ng longganiza, hotdog, at ‘lechonok’ o lechon na may stuffing na manok!


Sino nga ba ang hindi nakararanas ng siksikan sa araw-araw— sa kalsada, sa MRT, sa elevator, at kung saan-saan pa. Gaano ba kasama ang stress na dulot nito? Paano ka naman makikisiksik kung ang katawan mo mismo ay siksik din? Alamin ang mga panganib nito sa iyong kalusugan. Uubra naman kaya ang ating mga ka-AHA! sa bagong hamon ng‘AHA-stig!’?
 
Siksik-liglig-nag-uumapaw sa kaalaman ang AHA! kasama si Drew Arellano ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.