ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kaalaman tungkol sa 'transformation', tutuklasin sa 'AHA!'
AHA
Date of Airing: February 2, 2014
Time of Airing: 9:00 AM, GMA-7
Sari-saring pagbabago ang masasaksihan sa ‘AHA!’ ngayong Linggo. Ipakikilala ni Drew Arellano ang mga aha-mazing nating ka-AHA! na ginustong mag-transform ang kanilang anyo sa iba-ibang pamamaraan. Ang isa ay sa pamamagitan lang ng magic ng makeup ay kaya nang maging kamukha ang mga international pop stars! Mayroon namang cosmetic surgery na ang naging paraan para makuha ang gustong hitsura. From fat to fab naman ang nakagugulat na transformation ng isa pang ka-AHA! na nabawasan ng 100 pounds ang timbang! Aalamin natin ang siyensiya sa likod ng kanilang pagbabagong-anyo.

Bukod sa ‘Transformers’ na mga kotseng nagta-transform at nagiging robot, marami pang ibang laruan na kayang magbago-bago ng anyo. Iyan naman ang mga ibibida ni Boobay.
Ang mga ordinaryong bagay sa bahay na halos basura at patapon na, magbabago rin ng porma at gamit bilang mga instrumentong pangmusika!
Dalawang basong puno ng magkaibang likido, pagpalitin ang mga laman. Isang index card lang ang pwedeng gamitin sa kahit anong paraan. Sino kaya ang AHAstig! na makakagawa ng hamon?
Abangan ang lahat ng ‘yan ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.

More Videos
Most Popular