Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pinoy superheroes at panagbenga festival, tampok sa 'AHA!'


AHA!
Sunday, March 1
9 AM sa GMA-7




Tagisan ng mga Pinoy superheroes sa isang bagong ballet-musical. Nakamamanghang astronomy show sa isang planetarium sa UP. At ang latest update sa Project Mars, isang one-way trip sa Red Planet, para bumuo ng human colony doon. Alamin ang mga detalye sa… “AHA-wt of this World News!

 
Season na naman ng pagrampa ng mga nag-ga-gandahang bulaklak sa Baguio City. Ready na ang lahat para sa  ‘Panagbenga Festival’, isang taunang flower festival sa Baguio na itinatag noong 1996 na sumisimbolo sa ‘rebirth’ o ‘blossoming’ ng Baguio matapos ang Luzon earthquake ng 1990. Paano kaya ang mga paghahanda ng dambuhalang floral floats na ipinaparada sa Baguio?

 
Bike zipline. Australian rundown. Giant swing. At iba pang adrenaline-pumping adventure ang naghihintay sa atin ngayong darating na summer vacation sa Pugad Pugo Adventure sa Pugo, La Union.
 
 
Nakilala natin siya bilang isang kuwelang komedyante. Pero AHA-lam n’yo bang isa rin siyang award-winning magician? Mamangha at matuto ng ilang AHA-stig na tricks mula kay Jeffrey Tam.
 
 
Samu’t saring kaalaman sa AHA! kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9 AM sa GMA.
Tags: aha, prstory, plug, plugs