ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sumama sa mga popular na 'science' pasyalan sa 'AHA!'


AHA!
Linggo, Marso 15
9 AM sa GMA-7




Ngayong Linggo, papasyal tayo at manonood ng isang nakamamanghang astronomy show tampok ang mga planeta, bituin at constellations sa isang mobile planetarium sa UP at maging sa isang mas malaki at bonggang planetarium sa Pasay City.

 
Susubukan natin at tutuklasin ang science sa likod ng ilang AHA-mazing science experiments gaya ng elephant toothpaste, non-Newtonian fluid, at iba pa.

 
Sa Baguio, hindi na lang ang giant lion head ang dambuhalang atraksyon. Bibisitahin nina ka-AHAng Boobay at Bedick and Ever ang bagong ‘Dinosaurs Island’ na nagtatampok ng naglalakihang estatwa ng mga dinosaur na gumalaw-galaw pa. Ano kaya ang siyensiya sa likod ng must-visit destination na ito?

 
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9am sa GMA.
Tags: aha, prstory, plug, plugs