ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tuklasin ang iba't ibang Pinoy inventions sa 'AHA!'
AHA!
Linggo, May0 31
9 AM sa GMA-7


Naiimagine n’yo ba kung gaano kahaba ang sampung basketball courts na magkakatabi? Eh ang tatlong libong donuts na pinagdugtong-dugtong? Ganoon daw kahaba ang slide sa Slidefest Philippines na ating susubukan kasama ang Kapusong si Arianne Bautista.




Tuklasin din natin ang ilan sa mga bago at kahanga-hangang Pinoy inventions. Ano ang siyensiya sa likod ng pagkakagawa ng mga ito?




Mayroon ba kayong mga simpleng problema sa buhay? Merong simpleng solusyon diyan ang mga ka-AHA nating ‘Madsayangtists’ na sina Bedick at Ever.
At bago pa mag-back to school, samahan n’yo muna kaming gumawa ng ilang simple at practical na DIY o do-it-yourself na super cool school supplies o mga gamit sa eskuwela.




Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9am sa GMA.
Tags: aha
More Videos
Most Popular