ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Siyensiya sa likod ng paglangoy, alamin sa 'AHA!'



September 13, 2015

Kabilang ba kayo sa mga ka-AHA nating Potterheads na nangangarap ding mag-food trip at tumambay sa ‘Diagon Alley’ kasama sina Harry, Ron at Hermione? Hindi n’yo na kailangang maging witch o wizard para gawin ‘yon. Bisitahin natin ang isang Harry Potter-themed café sa Maginhawa St. sa Quezon City kasama ang ka-AHA nating si Arianne Bautista. At alamin kung paano mag-magic gaya ni Harry Potter!






Ngayong napapadalas na ang pag-ulan, hindi rin ba kayo makapaglaro sa labas ng bahay? Tuturuan tayo ng Mad Sayangtists na sina Bedick at Ever kung paano gumawa ng mga simpleng D-I-Y o do-it-yourself toys’ na puwede n’yong laruin sa loob ng bahay!


Paano nga ba nakalalangoy ang tao...at maging ang alaga nating aso?  Alamin ang science sa likod ng paglangoy kasama si Drew. Samahan din natin s'ya sa kanyang triathlon training sa loob ng isang sports laboratory na kauna-unahan dito sa bansa.




Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.