ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga multong nagpo-'photobomb,' aalamin kung totoo nga ba sa 'AHA!'


AHA October Shockers
4th Shocking Episode
Sunday, October 25, 2015
8:15 AM sa GMA-7
 
Tampok sa AHA! short horror film, ang pakikipagsapalaran nina Drew Arellano, Bedick and Ever sa mga nilalang na umano’y mahilig mag-snack ng utak! Abangan sila sa “Zombies AHA-ttack!”
 
Totoo nga bang may mga multo at ibang nilalang na mahilig mag-photobomb sa ating mga litrato? Ano-ano ang mga paraan kung paano puwedeng pekein ang ilang diumano’y pagpaparamdam?
 

 
 
Alamin ang mga nakakikilabot na kuwento sa likod ng iba’t ibang Halloween symbols, icons and practices na pinaniniwalaan sa iba’t ibang panig ng mundo.
 
 

 
 

At hindi rin papatalo ang Pinoy mythical creatures pagdating sa mga kuwentong kababalaghan! Mas kilalanin pa natin ang mga panakot na nilalang na sariling atin.
 
 


 
Paano kaya isinasagawa ang iba’t ibang movie tricks and magic sa likod ng mga eksenang horror at makapigil-hininga? Ibubulgar namin sa inyo ang ilang mga sikreto.
 
 
Alamin din natin ang ilang out-of-this-world na mga balita tungkol sa mga kakaiba at kagila-gilalas sa… AHA-Lam Ba News:  Halloween Edition?
 
Isang buwang punong-puno ng lagim, kilabot, at kaalaman ang hatid sa inyo ng AHA!: October Shockers! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA-7.
Tags: aha, prstory, plug, plugs