ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Patuloy ang Japan AHAdventure ni Drew ngayong Linggo sa 'AHA!'


Tuloy ang Tokyo, Japan AHAdventure ng  ating Ka-AHAng si Drew Arellano! At ang next stop n’ya ay ang Diver City sa Tokyo kung saan makikita ang dambuhalang Gundam robot!

 


Isa si Gundam sa pinakasumikat na ‘mecha’ o giant robot na nagmula sa Japan. Kaya hindi na pinalampas ni Drew ang Gundam toys at maging ang Gundam pancakes.

 


Pero hindi lang sa Japan sikat si Gundam, pati dito sa atin. Kilalanin din natin ang ilang collectors ng Gundam robots at iba pang merchandise.

 


Isang AHA-mazing resort ang nadiskubre ng AHA na mala-theme park sa laki at ganda—ito ang Campuestohan Highland Resort, isang 5-hectare property na matatagpuan sa pagitan ng Bacolod at Talisay sa Negros Occidental.

Samahan si Albert "Betong" Sumaya na sampolan ang iba’t ibang attractions dito gaya ng wave pool, zipline, sky bicycle, carousel, bungee trampoline, at ang giant cable hamster wheel na "first and only one of its kind in the world."

Ano-ano ba itong hottest gaming applications o game apps ngayon na gawang-Pinoy pala? Halinang tuklasin at laruin!

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.

Tags: prstory, aha