Tuklasin ang Masungi Georeserve sa 'AHA!'
AHA!
Linggo, May 22
8:15 AM sa GMA-7
Samahan natin ang ka-AHAng si Rodjun Cruz at ang MadSayangtists sa paglilibot sa Masungi Georeserve, isang geopark at protected environmental conservation area sa Rizal na nagtatampok ng iba’t ibang limestone formations, sari-saring plant and animal species, at may dambuhalang sapot na nakalambitin sa bangin kung saan puwedeng tumambay at tanawin ang Laguna de Bay.


Ang breakfast o almusal ang pinakamahalagang ‘meal of the day’. At bawat bansa, may ibinibidang klase ng almusal. Aalamin ito at sasampolan ng ka-AHA nating si Balang.


Parating na ang pinakaaabangang sequel ng hit animated movie na ‘Finding Nemo’ at ngayon naman, sasama naman tayo sa paghahanap sa isa pang sikat na isda sa pelikula, ang makakalimuting si Dory sa ‘Finding Dory.’ Kilalanin pa natin ang isdang Blue Tang na si Dory, at alamin kung ano-ano ang kaniyang mga katangian.


Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA-7.