ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento sa likod ng viral na "Tatlong Bibe," aalamin sa 'AHA!'


 

AHA!
Linggo, May 29
8:15 AM sa GMA-7

Bakit nga ba sikat na sikat ang children’s nursery song na "Tatlong Bibe?" Alamin ang kuwento at maki-kendeng sa internet dance craze ngayon.

 

 


Samahan natin ang ka-AHAng si Shine Kuk sa kaniyang huling hirit sa tag-init. Susubukan niyang mag-white water tubing sa Real, Quezon. Paano kaya niya ito gagawin gamit ang kaniyang salbabida at sa tulong ng science? Kayanin kaya niya ang rumaragasang rapids o tubig na dumadaloy mula sa kabundukan?

 

 


Kamakailan, ang global hit na game application na ‘Angry Birds’, naging animated movie na rin! Kilalanin natin ang mga real-life flightless birds sa Magaul Bird Park, at i-experience din ang kanilang Angry Bird Arena, isang lugar kung saan ang mga playful contraptions ay inspired mismo sa game application. At gusto n’yo bang matutong gumawa ng AHAstig DIY Angry Bird-inspired game? Abangan ngayong Linggo ng umaga.

 

 


Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM  sa GMA-7.

Tags: aha, prstory, plug, plugs