Trending na dance moves, ihahataw na sa 'AHA!'
AHA!
Linggo, June 12
8:15 AM sa GMA-7
Kamakailan, nag-viral sa social media ang video ng mga taong nagsasayaw ng "Running Man," isang dance step na nauso noong late 80s at ngayon ay nagbabalik sa bagong version nito. Samahan natin ang ka-AHAng si Bryan Olano na alamin ang iba pang nauusong sayaw ngayon gaya ng "trumpet dance," "gurlesque" o pagsasayaw ng mga lalaki nang naka-high heels, at "hiplet" na pinaghalong hip-hop at ballet. Ano-anong skill ang kailangang matutuhan para sayawin ang mga ito?


May huling hirit sa tag-init ang ka-AHA nating si Maey B. Susubukan daw niya ang watersport na Manta Ray Diving, na unang nauso sa Norway bilang "subwing," at ngayo’y nasa Pilipinas na rin! Paano nga ba lumangoy at mag-dive na parang isang manta ray?



Ngayong Araw ng Kalayaan, muli nating kilalanin ang ilan sa mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay para sa ating kalayaan.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA.