ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga patok na mascot at puppet, tampok sa 'AHA!'


 


AHA!
Linggo, Aug. 7
8:15 AM sa GMA-7

Marami sa atin ang natutuwa sa mga cute na puppets at mascots sa telebisyon, pelikula at entablado. Pero, bukod sa magbigay ng aliw at saya, may iba pa palang misyon ang iba sa kanila— ang magturo at magkalat ng tamang impormasyon.

 


 


Ano nga kaya kung ang mga alaga nating hayop ay superhero pala? Hindi malayo, dahil alam n’yo bang ang mga kakayahan ng ilang super heroes ay base o inspired pala sa mga totoong kakayahan o abilities din ng mga hayop?

 


 


Kasalukuyang may exhibit ngayon sa isang interactive museum sa Taguig tungkol sa mga buto at fossils ng mga dambuhalang hayop na nabuhay noong sinaunang panahon— ang mga dinosaur. Ano-ano nga ba ang mga AHA-mazing nilang katangian? At totoo nga bang may mga hayop ngayon na nag-evolve mula sa prehistoric animals na ito?

 


 


Samu’t saring saya at kaalaman sa 'AHA!' kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA-7.

Tags: aha, prstory, plug, plugs