Katangian ng paborito nating pet na pusa, aalamin sa 'AHA!'
AHA!
Linggo, August 28
8:15 AM sa GMA-7
Bukod sa aso, ang pusa ang isa pa sa pinakapamilyar na household pet. Pero kahit madalas tayong makakita ng pusa, marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa buhay ni Muning! Ano-ano nga ba ang mga natatanging abilities o kakayahan ng mga pusa na kung minsan ay para pa ngang naging basehan ng ilang powers at abilities ng mga paborito nating superheroes?


Ang ‘Sailor Moon,’ na naunang lumabas bilang ‘Pretty Soldier Sailor Moon’ ay isang Japanese manga series na isinulat at inillustrate ni Naoko Takeuchi noong 1991-1997, at na-adapt naman bilang anime series sa telebisyon noong 1992. Mula noon hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagdami ng fans ng ‘Sailor Moon’ kabilang na dito ang isang World Champion Ice Figure Skater at maging ang isa sa mga Sang’gre ng ‘Encantadia na si Sanya Lopez!


Alam n’yo na ba ang mga katangian ng isang magnet? Alamin ang iba’t ibang mga laruan gaya ng MagFormer na tila building blocks na gumagamit ng ‘magnet power’ sa pagbuo ng iba’t ibang hugis at disenyo.


Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA-7.