ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Anime at personalities-inspired toys, ngayong Linggo sa AHA!


Dec. 25, 2016

 



Pasko na, mga ka-AHA!!! Oras na para buksan ang mga regalo sa ilalim ng inyong Christmas trees!  At dito sa AHA!, marami rin tayong gifts na bubuksan na ang laman ay sandamakmak na toys na ating na-enjoy ngayong 2016.

 



Patok sa mga ka-AHA ang mga laruan na base sa mga sikat na karakter at personalidad gaya ng Super Mario Bros video games, Trolls, customized dolls na Encantadia dolls, Pia Wurtzbach, at Duterte Dolls.

Winner din ang mga popular toys na based sa cartoons na unang napanood noon sa telebisyon gaya ng Pokemon, Sailormoon, at Voltes V.

At sino nga ba hindi nag-enjoy sa experiential video games gaya ng Family Computer game console na unang sumikat noong dekada nobenta, at educational games tulad ng Magformers, Lego at Diorama Paper Crafts?  Lahat ‘yan bumida dito sa AHA!

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.