ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bubble Ball Challenge, susubukan sa 'AHA!'


 

FEBRUARY 12, 2017

Naaalala n’yo pa ba ang ‘Bleach?’ Isa ito sa paboritong anime sa GMA at based ito sa Japanese anime TV series na ‘Tite Kubo’ na unang sumikat noong early 2000. Tungkol ito sa pakikipagsapalaran ni Ichigo Kurasaki na isang soul reaper, na tagapatanggol ng mga tao laban sa masasamang espirito. Kilalanin ang mg aka-AHA nating super fans ng ‘Bleach’ at alamin din kung ano-anong mga kagila-gilalas na elemento rito ang hindi possible sa larangan ng science.

Suot ang malaking bubble ball na parang zorb ball at patalon-talon sa trampolines, sino kaya ang mangingibabaw at aangat sa ibang players, sa pangunguna ni ka-AHAng Juancho Trivino, sa ating ‘Bubble Ball Challenge?’

Alam n’yo bang hindi insekto ang mga gagamba? Ito ay arachnids na may walong mga paa, kumpara sa mga insektong may anim na mga paa. Ano-ano pa ang ibang mga katangian at kakayahan ng gagamba na siyang ginawang basehan ng superpowers ng paborito nating superhero na si Spiderman?

At abangan ang isang espesyal na Valentine’s Day Kilig Clips na handog ng AHA! para sa mga pume-Feb Ibig d’yan!

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am  sa GMA.

 

Tags: pr, plug, aha