Mga robot na kayang gumawa ng iba't ibang gawain, tampok ngayong Linggo sa AHA!
FEBRUARY 26, 2017
_2017_02_24_20_59_45.jpg)
Naaalala n’yo pa ba ang ‘Slam Dunk?’ Isa itong sports-themed manga series na nilikha ni Takehiko Inoue noong 90s, at pumatok naman ang anime adaptation nito sa GMA noong early 2000. Tungkol saan nga ba ang kuwento nito at bakit ito naging big hit sa Pinoy fans na hanggang ngayon ay marami pa ring umiidolong cosplayers sa mga character ng anime na ito?
_2017_02_24_20_58_08.png)
Uso pa ba ang mga larong Pinoy? Kamakailan, naging viral ang video ng mga batang naglalaro ng ‘luksong-baka’ na may kakaibang twist.Puwede na rin bang laruin ang palosebo at luksong-tinik sa mga gaming applications sa ating tablets at smartphone? Alamin ang iba’t ibang innovation na nagpapanatiling buhay sa mga classic na larong Pinoy.
Kilalanin ang mga ka-AHA nating lumikha ng sarili nilang robot. Paano kaya nila ito ginawa? Ano ang siyensiya na katulong at kakampi nila para ma-program ang robot na makagawa ng iba’t ibang tasks?
Kaya nga bang maramdaman o madetect ng mga hayop kung may paparating na lindol, at iba pang natural disaster? Alamin natin ang mga katangian ng iba’t ibang mga hayop na diumano’y may psychic abilities.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.