Mga Pinoy artist na gumagawa ng mga kakaibang obra, tampok sa 'AHA!'
MARCH 5, 2017

Naaalala n’yo pa ba ang ‘Dragon Ball?’ Isa itong Japanese media franchise na nilikha ni Akira Toriyama noong 1984. Mula sa isang manga, nagkaroon ng anime series, memorabilia, video games at pati pelikula! Tungkol saan nga ba ang kuwento nito at bakit ito naging big hit sa Pinoy fans?
Balikan natin ang kuwento ni King Arthur at ang kapangyarihan ng kanyang espada na ’Excalibur”. Paano nga ba ginagawa ang mga astig na sword? ’Yan ang ipakikita sa atin ni Ka-Ahang Andrei Paras.
May nakita raw na kuwago sa loob ng UP Diliman, at ‘yung isa pa nga ay nasa labas lang ng isang classroom! Naging Hogwarts na ba ang UP? Bago pa man lumipad muli ang mga Mulawin at Ravena sa telebisyon, kilalanin natin ang mga natatanging ibon ng hindi natin akalaing naninirahan din pala sa gitna ng lungsod. Kasama pa rin ang ka-AHA nating si Andre Paras, isang exciting birdwatching expedition ang gagawin natin ngayong Linggo ng umaga.
_2017_03_03_16_17_39.png)
Sinong may sabing crayons at pintura lang ang puwedeng gamitin sa paggawa ng mga obra? Kilalanin natin ang mga ka-AHA natin na gumagamit ng kape, sili, tinapay, asukal, chopsticks, ketchup, pencil lead at kung ano-ano pang medium para makagawa ng kahanga-hangang mga obra.
At makipaglaro with Drew gamit ang mga bago at patok na toys ngayon.Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.