ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

10,000 Roses garden-café sa Cebu, bibisitahin ng 'AHA!'


APRIL 9, 2017

 

Hindi pa tapos ang Pokemon Go fever dahil may nasagap kaming ‘lure’ na nagsasabing may Pokemon-inspired café sa Cebu! 

Alam n’yo ba ang sport na ‘floorball?’ Katulad ito ng ice hockey pero nilalaro ito sa sementadong sahig. Ano-ano nga ba ang rules sa paglalaro nito at ano ang siyensiya sa likod ng maraming butas ng bola nito?

Tuwing tag-init, paboritong pampalamig ng marami ang magpunta sa beach o kumain ng halohalo at iba pang pampalamig. Pero paano naman kaya ang mga hayop? Ano-ano ang mga cool ways nila para labanan ang pambihirang init tuwing tag-init?

 

Sa 10,000 Roses garden-café sa Cordova, Cebu, umusbong ang isang kakaibang attraction— libo-libong glowing roses na katulad ng isang attraction sa Seoul, Korea. Paano nga ba umiilaw ang mga puting rosas na ito gamit ang LED technology? 

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am  sa GMA. 

Tags: pr, plug, aha!