3D visual mapping art, tutuklasin ni Bianca Umali sa 'AHA!'
_2017_09_08_09_55_57_1.jpg)
Maraming Kapuso stars na ang tumanggap ng hamon ni Drew Arellano sa special segment ng AHA!--ang ‘Let’s Do It! Let’s Drew It!’. This time ang cute na cute na child actor na si Pao Pao naman ang sasabak sa makukulit na pagsubok. Kakasa kaya si Boom Boom Pao sa mga nakatutuwang hamon ni Drew gaya ng ‘Mukhasim Challenge’, ‘Animal Charade’, ‘at iba pa?
_2017_09_08_09_55_57_0.jpg)
Sa iba pang AHA-mazing stories, alamin ang siyensiya sa likod ng tirador o slingshot na ginagamit bilang laruan at hunting device. Kilalanin din ang Pinoy Slingshot master ng Laguna na kaya raw ma-asinta ang kahit napakaliit o nipis na mga bagay.

Mamangha kung paano ginagawa ang projection mapping or 3D visual mapping art. Iyan ang aalamanin ni Ka-AHAng Bianca Umali sa bagong atraksyon ng Art In Island museum sa Cubao.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:30 am sa GMA.