ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pananaw ng mga bata sa mga uso noon, alamin sa 'AHA!'


 

 
Ngayong Linggo, sa espesyal na segment na ‘ANO’NG SAY N’YO, KIDS?’, aalamin natin ang mga pananaw at opinyon ng mga bata ngayon tungkol sa mga bagay na patok noong araw. Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon sa ilang bagay na naging popular noong panahon ng mga ngayo’y tinaguriang ‘Titos and Titas of Manila?’

Kilalanin din natin ang isang light artist  na gumagamit ng ilaw sa paggawa ng kaniyang mga obra.  Sa tulong ng ‘black light,’ nagkakabuhay ang mga obra niyang ginagamitan niya ng glow-in-the-dark paints.

 
 
 
Tuturuan din tayo ng mga ka-AHAng sina Bedick at Ever kung paano gumawa ng DIY o do-it-yourself ‘black light’ para mas makita natin ang ganda ng mga glow-in-the-dark projects na kanilang gagawin.


Paparating na ngayong Disyembre ang pinakabagong episode ng epic space movie saga na ‘Star Wars.’ Kaya naman buhay na buhay na naman ang Star Wars fever! Kilalanin natin ang ilang kolektor ng Star Wars memorabilia, mga cosplayer na may espesyal na misyon, at bisitahin din natin ang isang Star Wars-inspired café sa Cebu.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:30 am  sa GMA.