Stop-motion animation, alamin kung paano gawin sa 'AHA!'

MARCH 25, 2018
Mistulang isang malaking ‘FunCon’ o ‘fun convention’ ngayong Linggo sa AHA! dahil magkikitakits ang iba’t ibang comic book creators and collectors, custom-made toy makers, toy collectors, animators, pati cosplayers at cosplay costume makers para sa isang umaga ng saya at pagtuklas.
Silipin natin ang mga exciting na nangyayari sa isang ‘comicon’ o ‘comics convention.’ Alamin ang paghahandang ginagawa ng cosplayers sa paggawa ng mga paandar na kasuotan para sa event. Alam n’yo bang walang pinipiling edad ang cosplay? Ang ka-AHA nating si Guy Singzon, 50 years old and cosplaying pa rin!
Paano kaya mag-customize ng isang laruan? Busisiin natin ang mabusising proseso na pinagdaraanan ng isang custom-made toy maker.
At isa sa mga patok ngayon sa YouTube channel ay ang mga ‘stop-motion animation’ series. Gusto n’yo ba matutong gumawa ng sarili n’yong bersyon? Mula sa paggamit ng cellphone videos hanggang sa high end cameras, puwedeng ma-achieve ang aha-mazing stop motion animation!
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.