Pagbuo sa 'AHA! Animation Originals,' mapapanood ngayong Linggo
Isang linggo bago ang eight anniversary special na ‘AHA! ANIMATION ORIGINALS’ sasamahan tayo ni Drew Arellano na sumilip sa likod ng produksyon ng pinakaambisyoso at mabusising episode na magtatampok ng apat na orihinal na kuwentong pambata tungkol sa pakikipagsapalaran, pantasya at pagtuklas na ilalahad ‘cartoon-style.’
Alamin ang proseso kung paano ginagawa ang isang short animated feature— mula sa conceptualization, writing stage, character design, storyboarding, voice recording, illustration at animation proper, hanggang musical scoring at post-production.
Kabilang sa apat na kuwento na magtatanghal din ng likas na ganda ng Pilipinas at mga pagpapahalaga ng bawat Pinoy ang: “Ang Hardin ni Lola”, “Super Okra”, “Nang Magtampo ang Ilog” and “Ang Kambing sa Parada”— na isinulat lahat ng premyadong awtor ng mga librong pambata at Headwriter ng AHA! na si Augie Rivera.
Ang espesyal na episode na ito ay isang collaboration ng AHA! Production Team at ng mahuhusay na animators mula sa GMA Post Production, Top Peg Animation and Creative Studio, CIIT College of Arts and Technology, at ng Art Director ng AHA! na si Benedick Rellama.
Kabilang sa mga panauhing artistang magbibigay-buhay sa mga karakter sa pamamagitan ng kanilang boses ang premyadong kabataang aktor na si Miggs Cuaderno, ang heartthrob na si Juancho Trivino, at ang batang aktor na si Yuan ‘Pao Pao’ Francisco. Si Drew Arellano ang overall narrator ng episode.
Mapapanood ang ‘AHA! ANIMATION ORIGINALS’ sa Linggo, May 6, sa ganap na 8:15 AM, sa GMA 7.