ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Epekto ng magic fruit sa ating taste buds, aalamin ni Kimpoy Feliciano sa 'AHA!'



Pamilyar na siguro sa atin ang alamat ng bulkang Mayon at ang kuwento ni Daragang Magayon. Pero, totoo nga bang mayroon ding kuwento na ‘lalaki’ raw pala ang bulkan? Alamin natin ang siyensiya sa likod ng pagsabog ng isang bulkan. Kung nakakasira ang pagsabog ng bulkan, bakit kaya sinasabing ‘self-healing’ daw para sa bulkan ang pagsabog nito?

Alamin ang kasaysayan ng puppets at ang iba’t ibang klase nito. May bagong makakasama si Drew sa AHA! pero sino kaya ito? Silipin natin ang behind-the-scenes ‘audition’ para sa susunod na puppet sidekick ni Drew.

Kamakailan, nag-viral ang isang audio clip na pinagmulan ng walang katapusang debate: ‘yanny’ ba o ‘laurel’ ang sinasabi ng audio clip? Matamis nga ba o maasim ang pagkain matapos kumain ng kung tawagin ay “magic fruit?” Blue, nga ba o gold o gray ang kulay ng isang bagay sa larawan? Aalamin ng online sensation na si Kimpoy Feliciano ang explanation ng science tungkol sa kontrobersyal na trending clips na ito at kung bakit nag-iiba-iba ang naririnig, nakikita o natitikman ng mga tao.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.