Kaibahan ng paningin ng mga tao sa mga hayop, alamin sa 'AHA!'

Black and white nga lang ba ang nakikita ng mga aso? Orange naman daw ang nakikita ng kalabaw? Nakakikita nga ba ng iba’t ibang kulay ang isda sa ilalim ng tubig? Paano nga ba naiiba ang paningin o sense of vision ng mga hayop sa ating mga tao?
Gustong-gustong makipaglaro ni Ambet pero abala naman sa video games sa kaniyang cellphone si Super G. Ano-ano nga ba ang epekto ng masyadong babad sa gadgets?
Viral ngayon sa social media ang ‘Fluff Challenge’ kung saan nagtatakip ng kumot ang amo at binibiro ang kanilang mga aso na sila ay biglang ‘maglalahong parang bula.’ Hindi kaya nai-stress ang ating mga alaga sa ganitong nakagugulat na trick?
Kilalanin natin ang NBA superstar na si LeBron James at alamin kung bakit malaking balita ang paglipat niya sa koponan ng Los Angeles Lakers.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 AM sa GMA.