‘AHA! QUIZ PARTY,’ mangyayari na ngayong Linggo!

Invited lahat sa ‘AHA! Quiz Party’ ngayong Linggo ng umaga!
Kung “G” kayo, abangan ang nakaiintrigang ‘quiztions’ na ipalalabas sa buong programa. Para makasali, pumunta sa Facebook page ng AHA! at doon i-comment ang inyong mga sagot. Sa mga makakakuha ng tamang sagot pipiliin kung sino-sino ang makasama sa next exciting AHA-dventures!
Narito pa ang ibang AHA-mazing stories ngayong Linggo sa AHA!
Sa ating espesyal na segment na ‘The Great Battle of EDSA’, malampasan kaya ng ating bida ang mga highway kontrabida para marating ang kabilang dulo ng EDSA?
Alamin ang cool facts tungkol sa paglamig ng panahon sa mga nakalipas na araw.
Meron nga bang school supplies na puwedeng kainin? O baka naman bahagi lang ito ng ‘AHA-ppy Prank’ ni Pao Pao?
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.