Sikreto ng Mobile Legends, mabubunyag na!

MARCH 10, 2019
Nasubukan n’yo na bang maglaro ng ‘ML?’ Ang ML o Mobile Legends ay isang multiplayer online battle arena o MOBA video game na kinahuhumalingan ngayon ng marami. Paano nga ba ito laruin at ano ang babala ng mga eksperto sa mga player ng mobile app games gaya nito?
Dahil sikat ngayon ang isang kanta tungkol sa buwan, usapang ‘moon’ din ang gagawin natin this Sunday. Ano-ano nga ba ang mga folk belief at kuwento ng misteryo tungkol sa buwan na hanggang ngayon ay tila patuloy na pinaniniwalaan?
Naging laman ng mga balita ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo nang manalo siya ng gold medal sa 2019 World Cup Gymnastics sa Australia. Paano nga ba nagagawa ng isang gymnast ang iba’t ibang AHA-mazing moves gamit ang kaniyang malakas at flexible na katawan?
At alam n’yo ba kung ano ang misteryo sa likod ng kuwento tungkol sa buhay ng ‘genie’ na BFF ni Aladdin?
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si Drew Arellano ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.