Number 13, malas nga ba?
_2019_10_18_15_31_25.jpg)
October 20, 2019
Ito na yata ang ‘sweetest morning’ para sa ating mga Ka-AHA! dahil sari-saring sweet treats ang handog ni Drew Arellano ngayong Linggo ng umaga.
Mahilig ba kayong kumain ng matatamis? Kung gayon, baka may ‘sweet tooth’ daw kayo! Alamin kung paano ginagawa ang iba’t ibang klase ng sweet food na paborito ng ating mga ka-AHA at iba pang exciting trivia.
Napansin n’yo ba na maraming gusali ang walang 13th floor? At kinatatakutan din ng mga tao ang Friday the 13th dahil may mangyayari raw na masama sa araw na ito? Saan nga ba nagmula ang paniniwalang malas daw ang bilang na ’13’?
Nagbabalik ang ‘Kuwentong AHA-mazing’ in full animation! Makakasama natin ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza bilang guest storyteller. Ihahatid niya sa atin ang maikling bersyon ng popular na kuwentong ‘Sandosenang Sapatos.’
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.