ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tatlong sikat na anime, mapapanood ulit sa GMA Network!


 

JAN 19, 2020

Pumatok noon, balik-telebisyon na ngayon! Alamin kung ano-ano ang tatlong anime na magbabalik para maghatid ng mga bagong kuwento ng saya, pagsubok, at pakikipagsapalaran. At lahat sila dito sa GMA mapapanood!

 

Image from: https://otacobitesph.wordpress.com/

Kung gusto n’yong mag-alaga ng hayop, hindi na kailangang gumastos nang malaki. Narinig n’yo na ba ang tungkol sa HAMdoption? Bakit nga ba nauuso ngayon ang panawagan na ‘adopt, don’t shop’ sa pagkuha ng mga alagang hayop?

 

Image from: facebook.com/pg/HamdoptionPH/

Noong nakaraang Linggo ay pumutok ang Bulkang Taal at nagbuga ng makapal na usok at abo. Ano kaya ang masasabi ng science sa nagaganap na pagsabog Taal Volcano? At tampok din ngayong linggo ang isang alamat tungkol sa pinagmulan daw ng bulkang ito.

 

Image from https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/58302/celebrities-share-photos-of-taal-volcano-eruption-ashfall/story

Samahan ang AHA! Squad sa panibagong ‘unboxing’ ng iba’t ibang mystery boxes na ibibigay sa kanila ni Kuya Drew. Ano nga kaya ang laman ng mga ito?

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.