Adobo, ginawang pabango?
AHA!
JUNE 7, 2020
GCQ na sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa, may recipe ka pa ba for the kids? Sagot na ng AHA ang kakaibang putahe while staying at home!
Adobong ginawang pabango? Tilapia na ginawang ice cream? Paano kaya ginawa iyon? Alamin ang kuwento sa likod ng pambihirang pangyayaring ito, 'Only in Da Pilipins!'
Sa gitna ng krisis ngayon, pag-asa ang hatid ng modern day heroes na tumutulong sa kapwa ng walang kapalit. Hindi lang sa pera o monumento makikita ang mga bayani, at kahit noong wala pang pandemya, marami na sila! Muli nating kilalanin ang mga ordinaryong tao na dahil sa kanilang ekstra-ordinaryong kabutihan at malasakit sa kapwa ay maituturing na ring mga makabagong bayani.
Attention plant parents lalo na sa mga nahilig sa paghahalaman ngayong lockdown! Alamin ang mga natatanging katangian ng Sunflower. At kilalanin din natin ang jade vine na 'tayabak' na makikitang disenyo sa likod ng bagong 5-peso coin.
At sino kaya ang mapipiling winner sa ating search para sa 'AHA: The Greatest Puppet' na magiging puppet sidekick ni Drew.