Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Winners ng 'AHA Quiz Party,' malalaman na ngayong Linggo!


AHA! 

Airing: OCT 4, 2020

Samahan si Drew Arellano at ang BFF niyang si ‘A! Robot’ sa isa na namang bagong episode ng AHA! ngayong Linggo.

Habang hindi pa puwedeng bumiyahe sa maraming lugar, samahan muna natin si A Robot sa isang “new normal virtual tour” ng mga patok na pasyalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Paano kaya matatalo ng duwendeng si Makoy ang isang malupit na higante? Alamin sa kuwentong AHAmazing na ihahatid sa atin ng panauhing tagapagsalaysay na si Buboy Villar.

 

 

Mukhang halaman, pero hindi. Ano nga ba ang kabute? Alamin ang iba’t ibang kamangha-mangha at tila magical na katangian nito.

 

 

Paano kaya lumaki nang husto ang ilang karaniwang hayop? Ano-ano kaya ang ipinakakain sa kanila ng fur-parents nila?

 

 

Nagbabalik din ang paborito ninyong ‘AHA Quiz Party’ at malalaman na ninyo ang masusuwerteng “quiz party-cipants” noong nakaraang Linggo na tatanggap ng papremyo mula sa AHA!

 

 

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.

 

ENGLISH

Join Drew Arellano and his BFF, A! Robot in another spanking new episode of “AHA!” this Sunday.

While travelling is not yet allowed in many places, join A. Robot on a “new normal virtual tour” of the different fun destinations around the country.

How can Makoy, the dwarf, defeat a vicious giant? Find out in our AHAmazing story from guest storyteller Buboy Villar.

It looks like a plant, but it isn’t. What exactly is a mushroom? Find out its amazing and seemingly magical characteristics.

How did some ordinary animals grow up to giant-size proportions? What do their fur-parents feed them?

Everyone’s favorite ‘AHA Quiz Party’ is back, and find out the lucky “quiz party-cipants” who will receive cash prizes from AHA!

Science and learning can be fun with AHA, hosted by Drew Arellano, Sundays at 8:15 AM on GMA 7.