ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Away sa mga computer shop, tatalakayin sa 'Alisto'
ALISTO
Airing Date: June 20, 2013
Ngayong Huwebes sa Alisto, ang sinapit ng isang babaeng diumano’y ginahasa habang naglalakad sa Tondo, Maynila, mga away dahil sa computer games at malalagim na aksidenteng nakuhanan ng mga YouScooper!

Pauwi na sana mula sa trabaho si Jam, ‘di niya tunay na pangalan, nang mapansin niyang may sumusunod na lalaki sa kanya. Ilang minuto pa ay nilampasan siya nito at nawala sa isang madilim na bahagi ng Abad Santos Ave. sa Tondo, Maynila. Lumihis ng daan si Jam sa tindi ng takot ngunit sinundan siya ng lalaki sa gitna ng kalye. Nagdeklara ng hold-up ang lalaki at dinala ang 22-taong gulang na babae sa dilim. Pero hindi lang pala basta hold-up ang pakay ng lalaki. Diumano, walang awang hinalay ng lalaki si Jam kahit may ilang tao at sasakyang dumaraan sa lugar. Makalipas ang ilang minuto ay iniwan ng lalaki si Jam at nagtatakbo palayo. Ang ilang bahagi ng pangyayari, huli sa CCTV camera!

Samantala, ngayong panahon ng pasukan, patok na naman ang mga computer shop. Pero ang ilang kabataang pumupunta rito, hindi assignment ang pakay kundi mga computer game. At ang ilan, sa sobrang pagkahumaling dito, inaabot makipag-away at makisali sa rambol!

Dahil sa kainitan ng laro at mga asaran, ang sana’y masayang paglalaro, minsa’y nauuwi sa away at suntukan. Sa ilang video na in-upload sa Youtube, kitang kita kung paano nasangkot ang ilang kabataan sa pakikipagsapakan. Paano nga ba masisigurong ligtas ang inyong mga anak sa ganitong uri ng karahasan?

Ilang aksidente ang ipinadala sa YouScoop ng ilang concerned citizen: Sa Bocaue, Bulacan nai-dokumento ng isang YouScooper ang aksidente sa pagitan ng isang motor at isang pribadong sasakyan. Ang drayber ng motorsiklo, duguan matapos tumilapon. Sa Maguindanao naman, isang AUV ang bumangga sa isang trak. Parang latang nayupi ang AUV at ang mga pasahero, naipit sa loob. Makaligtas pa kaya sila sa malagim na aksidente?
Maging Alisto! Samahan si Arnold Clavio ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!

More Videos
Most Popular