ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Top 10 aksidente sa Skyway, tututukan ng 'Alisto'


ALISTO
Top 10 Aksidente sa Skyway
Airing Date: August 8, 2013

Ngayong Huwebes sa Alisto! Top 10 na pinakamalagim na aksidente sa Skyway, aktwal na video ng mga ahas na nakapasok sa ilang bahay at mga modus ng pananalisi sa matataong lugar!
 
Araw-araw, umaabot sa isandaang libong sasakyan ang bumibiyahe sa Skyway. Ito ang nagsisilbing expressway ng mga motoristang papunta sa Timog na bahagi ng Metro Manila. Ilang malalagim na aksidente rito, huli sa CCTV camera!

 
Pagsalpok ng tren sa isang van, truck na bumangga sa poste, karambola ng truck, bus at kotse-ilan lamang ang mga ito sa halimbawa ng aksidenteng naganap dito. Sa tulong ng Traffic Management and Security Division Head ng Skyway, aalamin ng Alisto ang sampung pinakamalalang aksidente rito base sa casualty o sa dami ng nasaktan at nasawi. Kabilang din sa naging batayan ang damage to property na naidulot nito. Ano nga ba ang karaniwang ugat ng mga aksidente at paano sana ito naiwasan?

Samantala tinutukan din ng Alisto ang ilang aktwal na kuha ng paghuli sa mga ahas na nakapasok sa ilang bahay. Sa cellphone video sa Pandacan, Maynila, isang sawa ang natagpuan sa kisame ng isang bahay. Kitang kita sa video kung paano hinugot ng residente ang sawa mula sa kisame. Isang 20-feet na ahas naman ang natagpuan sa isang drainage sa Cabuyao, Laguna. Ano nga ba ang dapat tandaan sakaling mangyari ito sa sarili ninyong bahay?

Alisto's first award from the Philippine Public Safety and Order Support Group.
Huwag ding palampasin ang mga modus ng salisi gang na huling huli sa CCTV camera. Tulad na lang ng isang empleyado ng advertising company na nabiktima ng pananalisi sa isang retail store sa isang mall sa Las Piñas. Hindi bababa sa sampu ang miyembro ng grupo ng salisi gang at nakuha ang cellphone ng biktima.
 
Samantala, pwede ka rin maging Alisto! 
Magbigay ng selfie videos kung paano ka nagiging Alisto!  Maaaring maipalabas ang video mo sa Alisto!
 
Huwag kaligtaan panoorin ang ginawaran ng Philippine Public Safety and Order Support Group na "Most Appreciated Safety and Disaster Preparedness TV Program in the Country." Samahan si Arnold Clavio ngayong Huwebes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7!