ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Alisto:" Modus ng mga kawatan sa Divisoria, huling-huli sa CCTV


ALISTO
Airing Date: August 15, 2013

Modus sa mataong Divisoria, mga aksidente kung saan bata ang biktima at mga insidente ng pagnanakaw at sakuna sa San Mateo, Rizal ang mga kuwentong tututukan ni Igan Arnold Clavio ngayong darating na Huwebes sa "Alisto!"
 
Dagsa ang mga tao sa Divisoria araw-araw, bente kwatro oras na buhay ang lugar na ito kaya naman hindi mahulugang karayom ang mga suking nagsisiksikan.  Pero hindi lang tindero at mamimili ang paroo’t parito, pugad din umano ang Divisoria ng mga mapagsamantala.  Bago ka malingat at maaliw sa dami ng mga panindang makikita rito alamin muna ang mga modus ng kawatan na huling-huli sa surveillance video!
 
Samantala may mga pagkakataong hindi nababantayan nang husto ang mga bata.  Peligroso para sa kanila ang walang kasama na mas nakakatanda, lalo na sa lansangan.  Sa ilang kuha ng CCTV camera, kitang-kita kung paano naging biktima ng aksidente ang mga inosenteng paslit.  Alamin ang mga paraan kung paano sila maisalba sa ganitong mga panganib.
 
Ang San Mateo sa Rizal naman, bantay sarado din ng mga CCTV camera.  Malaki ang naitutulong nito para ma-monitor ang sitwasyon ng trapiko sa mga pangunahing daan sa kanilang bayan.  Pero bukod dito, naidokumento rin ng CCTV camera ang iba't ibang insidente ng pagnanakaw at sakuna sa lansangan. Paano nga ba ito maiiwasan?
 
Maging "Alisto!" kasama si Igan Arnold Clavio, Huwebes (August 15) ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7!