ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Top 10 pinakamalalang aksidente sa Navotas tututukan ng 'Alisto!'
ALISTO
Ngayong Huwebes sa Alisto, saksihan ang Top 10 pinakamalalang aksidente sa Navotas, mga insidente ng sagasa at habulan ng mga awtoridad at masasamang loob—caught on camera!
Ayon sa DOH, ang aksidente sa kalsada ang pang-apat sa pangunahing dahilan na ikinamamatay ng mga Pilipino. Sa Navotas City, hindi bababa sa sampu ang aksidente kada linggo ayon sa City Traffic and Parking Management Office.
Sa tulong ng Command Center ng lungsod, iisa-isahin ang sampung pinakamalalang aksidente sa Navotas City na huli sa CCTV! Banggaan ng dalawang motor, pagsalpok ng motor sa isang kotse at sumabit na pedicab sa isang trailer truck ay ilan lamang sa mga aksidente sa lugar na nakunan ng CCTV cameras. Ano nga ba ang karaniwang ugat ng aksidente at paano ito maiiwasan?
Maliban sa mga motorista, madalas ding maaksidente sa kalsada ang mga pedestrian. Ayon sa World Health Organization, ang mga pedestrian ay itinuturing na isa sa “most vulnerable road user” sa buong mundo. Sa isang kuha ng CCTV camera, isang estudyante sa San Jose, Navotas City ang nabundol ng isang jeep habang papatawid sa kalsada. Isang lalaki naman ang patay matapos masagasaan ng isang truck. Ano nga ba ang dapat tandaan para maging ligtas sa ating pagtawid?
Huwag ding palampasin ang maaksyong pagrespode ng mga otoridad sa ilang kawatan at rugby boys.
Maging ALISTO! Kasama si Igan, Arnold Clavio, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7!

More Videos
Most Popular