ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Alisto: Tamang speed limits at tamang pagtawid sa intersections


Mga igan, ayon sa Transportation Society Science of the Philippines o TSSP, isa sa mga pangunahing dahilan ng aksidente ay ang tulin ng pagpapatakbo ng mga sasakyan.

Base sa Republic Act No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, may iba’t ibang bilis ng pagpapatakbo depende sa lugar. Tandaan ang mga sumusunod na numero!



Ang mga sumusunod ang dapat tandaan kapag dumadaan o tumatawid ng mga intersection.

Para sa mga motorista:

1. Ayon sa eksperto, ang unang humintong sasakyan sa intersection ang siyang una dapat na magpatakbo.

2. Kapag may dalawang sasakyan na sabay huminto sa intersection, ang pangatlong sasakyan na nasa kanang bahagi ng intersection ang dapat maunang magpatakbo.

3. Kapag nagkatapat ang dalawang sasakyan, kung sino ang didiretso ang siyang mauunang magpatakbo. Nakahinto muna ang mga liliko.

Para sa mga pedestrian:

1. Tumawid lang ng kalye sa mga intersection. Huwag mag-jaywalk.

2. Bago tumawid, alamin muna kung sapat pa ba ang oras na meron ang traffic light para tumawid.

3. Kapag handa na sa pagtawid, pumili ng ligtias na puwesto sa daan na malayo sa mga nakaparadang sasakyan o iba pang panganib.

4. Mas ligtas na tumawid kung grupu-grupo kaysa sa pare-pareha. Habang tumatawid, patuloy sa paglingon at pakikinig sa ingay ng mga sasakyan habang naglalakad.

5. Parating tandaan: mas mahirap ihinto ng driver ang sasakyan nito kung umuulan. Mas mahirap ding mapansin nito ang mga tumatawid.— Illustration by Isabelle Laureta, GMA News