ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Maging 'Alisto' sa mga mandurukot sa footbridge

ALISTO!
Lunes, July 14, 2014… alas-4 ng hapon
ALISTO COUNTER MODUS GANG:
PROJECT FOOTBRIDGE
Noong nakaraang taon, napabilang ang Edsa-Taft sa Pasay City sa limang crime prone areas sa Metro Manila ayon sa PNP. Dito, matatagpuan ang isang footbridge na dinaraanan ng mga pasahero ng LRT at MRT. Malapit din ito sa mall at sa simbahan ng Baclaran kaya naman isa raw ito sa paboritong target ng mga kawatan.
Wala raw pinipiling oras ang mga mandurukot at tila wala na silang takot kahit pa may mga pulis na nakaantabay sa lugar at may ilang CCTV camera rin sa paligid.
Kasama ang “Alisto Counter Modus Gang” na binubuo n gaming team, ng mga miyembro ng kapulisan at sa pakikipagtulungan na rin ng MMDA… minabuti naming dagdagan ang mga CCTV camera na nakapalibot at nakatutok sa mismong footbridge. Binantayan ito sa loob ng ilang araw para mas matiktikan ang galaw ng mga kawatan. Ilan kaya ang mapapasakamay ng mga alagad ng batas?
Alamin ang mga dapat gawin para hindi mabiktima sa ganitong matataong lugar!
ALISTO SA SALPUKAN

Ang Laoag City ang tumatayong Kapitolyo ng Ilocos Norte. Kaya naman hindi mabilang na tao ang mga sasakyan ang araw araw na pumapasok at lumalabas sa lungsod. Dahil dito hindi maiwasan ang ilang aksidente sa kalsada lalo na sa mga intersection. Ang ilan dito... Huling huli sa CCTV!
Binabagtas ng isang kotse ang kahabaan ng P. Gomez at nang marating ang intersection, dire-diretso lang ito. Ngunit bago pa makatawid nang tuluyan ang kotse, isang mabilis na motor na may sidecar ang pinilit na tumawid at bumangga sa kotse! Nahulog ang driver ng motor na may sidecar habang ang kanyang angkas sa likod ay tumilapon sa sidewalk!
Sa intersection pa rin ng P. Gomez cor Ablan Avenue, isang motor na may sakay na isang lalaki at isang babae ang mabilis na binabaybay ang P. Gomez. Kaya naman hindi nito napansin ang isa ring mabilis na sports car na binabagtas ang Ablan Avenue. Bumangga ang motor sa kotse at ang mga sakay nito... Tumilapon!
Bakit nga ba nangyayari ang mga ganitong aksidente sa mga intersection? At sa isang natatanging demonstrasyon, alamin ang mga dapat mong gawin sakaling nasa aktong sasalpok na ang iyong minamanehong sasakyan!
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Sa bago nitong araw at oras, Lunes, July 14, 2014, alas-4 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular