ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Alisto': Paano makaligtas mula sa iba't ibang klase ng aksidente?



ALISTO!
Lunes, August 4, 2014… alas-4 ng hapon

 
ALISTO COUNTER-DANGER SIMULATION:
HOW TO SURVIVE FALLING FROM A 2-STOREY INFRASTRUCTURE


Isang construction worker ang nahulog mula sa 18 feet na scaffolding at sa kanyang pagbagsak ay nagulungan ng isang armored vehicle. Samantala sa isang hiwalay na aksidente , huhulihin lang sana ng isang binatilyo ang kalapating napadapo sa kalsada pero sa isang iglap… nabundol siya ng paparating na kotse, tumilapon sa bubong nito saka napahandusay sa daan.
Ang dalawang biktima ng malagim na aksidente—parehong buhay!
Sa isang Counter Danger Simulation na isinagawa ng Alisto, inalam namin ang teknikal at siyentipikong paliwanag kung paano sila nakaligtas mula sa bingit ng kamatayan. Sa tulong ng mga bihasang stuntmen at sa pagbabantay ng isang rescue team, nagsagawa kami ng makapigil hiningang demo na naglalayon ding magbigay ng sagip-buhay tips para mas maging handa sa pagharap sa ganitong peligro.

Samahan din ang kapuso actor at host Mikael Daez para magbigay ng mga pedestrian safety tips kasama ang mga eksperto.
 
ALISTO COUNTER MODUS TEST:
FOREIGN SCAMMERS

Isang itim na papel, ilang patak ng likido… sa ilang segundo lang, ang papel—naging dolyar!

Ganito ang tila “magic” na nagpamangha sa dalawang guro kung kaya sila nagbigay ng malaking halaga sa isang pinagkatiwalaang foreigner na nakilala nila sa internet. Isang maleta kasi ang iniwan sa kanila na puno umano ng limpak limpak na dolyar na kulay itim. At para mabura ang itim na tinta, inutusan silang magbigay ng pera na pambili umano ng solvent.
 
Ang inakalang magic, modus pala! Dahil ilang buwan ang lumipas, naglaho nang parang bula ang mga dayuhan. Ayon sa National Bureau of Inverstigation o NBI, ito ang “black dollar modus” ng mga “Wash-wash Gang”.
Sadya raw magiliw tayo sa mga turistang dayuhan. Kaya sa isang Counter Modus Test, sinubok namin ang pagiging Alisto ng ilan nating kababayan. Iiwan mo ba ang mahahalagang gamit mo sa isang coffeshop para tulungan ang isang dayuhang diumano’y naliligaw?
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, August 4, 2014, alas-4 ng hapon sa GMA!
Tags: plug