ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kiko Estrada, bibiyahe bilang bus commuter sa 'Alisto'



ALISTO CELEBRITY CHALLENGE: BIYAHENG BUS
 




 
Ipit Gang, Bubble Gum Gang at Patay Gang—ilan lang ito sa mga modus sa pampasaherong bus na patuloy na nambibiktima sa mga pasahero.
 


 
Sa isang pambihirang hamon, pinasakay namin ang Kapuso actor na si Kiko Estrada sa isang bus kung saan lingid sa kanyang kaalaman... lahat ng kapwa niya pasahero ay kasabwat ng Alisto. Layon naming subukin kung gaano ka-alisto si Kiko oras na sumalakay ang mga kunwaring kawatan sa mga panahong hindi niya inaasahan.
 
Paano nga ba mas magiging ligtas ang biyahe mo?
 
BANTAY MODUS: PEKENG CABLE GUY
 

Magdo-doorbell o kakatok na pinto ng inyong bahay... saka magpapakilalang cable guy! Kapag nagpaisa ka, malaya siyang makapapasok at kukuha ng tiyempo para makulimbat ang mga gamit niyo!
 
Isang insidente ng aktuwal na pagtatangkang pumasok ng pekeng cable guy ang nakuhanan ng CCTV. Sino ang nasabing lalaki at paano ka hindi mahuhulog sa kanyang patibong?
 
Hindi ka biktima… Maging ALISTO!
 
Kasama si Igan, Arnold Clavio.  Lunes, August 10, 2015, 4:50 ng hapon sa GMA!