ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Isang pamilya, modus ang pagnanakaw sa mga tindero't tindera

Lunes, August 17, 2015… 4:50 ng hapon
PAMILYA KAWATAN
_2015_08_13_22_44_46_3.jpg)
_2015_08_13_22_44_46_2.jpg)
May nanay, tatay, ate at kuya. Isinama pang mamalengke sina bunso at lola. Pero ang grupo, hindi talaga mamimili ng paninda kundi mananalisi sa mga malilingat na tindera.
Ito ang bagong modus na natuklasan sa Dinalupihan, Bataan. Ang siste, may kanya-kanyang papel ang bawat isa para manlito. Ang isa sa mga biktima, nalugi ng mahigit isang daang libong piso!
Pamilya nga ba ang mga kawatan o front lang nila ito? Anu-ano ang mga dapat tandaan para hindi ka nila malamangan?
KARAHASAN SA KABATAAN
_2015_08_13_22_44_46_1.jpg)
Sa isang paaralan sa Meycauayan, Bulacan isang estudyante ang binugbog, sinabunutan at kinaladkad sa daan. Nakaalitang ka-eskuwela raw ang nasa likod ng pananakit. Dahil sa insidente, nagkaroon ng trauma ang dalagitang biktima.
_2015_08_13_22_44_46_0.jpg)
Paano nga ba maiiwasan ang mga kaso ng bullying sa paaralan at ano ang dapat gawin ng mga magulang sakaling mabiktima ang kanilang mga anak?
Hindi ka biktima… Maging ALISTO!
Kasama si Igan, Arnold Clavio. Lunes, August 17, 2015, 4:50 ng hapon sa GMA!
More Videos
Most Popular