ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

First-aid sa taong nakuryente, alamin sa 'Alisto'


Nitong nakaraang Lunes, August 15, limang miyembro ng isang pamilya ang nakuryente sa loob mismo ng kanilang bahay sa Malasiqui, Pangasinan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, maaaring gumagawa ng alambreng sampayan ang ina  ng tahanan na si Rochelle Mendoza dahil sa sama ng panahon. Sa kasamaang palad, posibleng dumikit daw ang alambre sa isang nakasaksak na cellphone charger. Nakuryente si Rochelle at maaaring nadamay ang kanyang anak, kinakasama at iba pang kaanak matapos magtangkang sumaklolo.

 


Napanood ng aktres na si Aubrey Miles ang masamang balita at naalarma siya para sa kanyang sariling pamilya. Isang safety expert ang isinama ng Alisto sa kanyang bahay para magbigay ng safety tips kung paano maiiwasan ang ganitong uri ng aksidente. Itinuro rin kay Aubrey ang tamang pagsaklolo at paglalapat ng first aid sa isang taong nakuryente.

 


Samantala si Agent A, ipakikilala ang pinakabagong nationwide emergency response hotline na 911. Paano nga ba ito nakatutulong para sa mas mabilis na pagresponde sa sunog, aksidente at iba pang emergency?

 


Abangan ang lahat ng aksyon at serbisyo publiko sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!