Safety tips ngayong summer vacation, ibabahagi ng 'Alisto'
_2017_04_07_17_20_30.jpg)
ALISTO!
AIRING DATE: APRIL 11, 2017
_2017_04_07_17_15_06.jpg)
Ngayong opisyal nang nagsimula ang summer season, hindi lang dapat summer destination ang nasa listahan kundi ang kaligtasan at seguridad sa bawat biyahe.
_2017_04_07_17_15_26.jpg)
Sa isang resort sa Binangonan Rizal, ang dapat sana’y masayang outing, nauwi sa rambol. Nakuhanan ng video ang bangayan ng dalawang grupo. Ilan sa mga sangkot, di umano’y lasing pa. Ayon sa kumuha ng video, hindi na sana aabot sa sakitan ang iringan ng dalawang grupo kung may gwardiya sa resort. Sa ilang pagkakataon naman, nauuwi ang bakasyon sa mas malalang trahedya. Sa isang resort sa Caloocan City, isang pitong taong gulang na bata ang nalunod. Nakuhanan ng video ang pagsagip sa paslit at pagbibigay sa kanya ng cardiopulmonary resuscitation o CPR.
_2017_04_07_17_15_47.jpg)
Anu-ano ang mga dapat gawin para maging ligtas ang inyong bakasyon? Kasama ang Philippine Life Saving, magbabahagi ng basic rescue tips ang Kapuso teen actor na si Elyson de Dios. Nagbigay rin ng mga pamantayan sa mga may-ari ng resort ang Philippine Coast Guard.
_2017_04_07_17_16_06.jpg)
Tinutukan din ng Alisto ang mga vehicular accident ngayong uso na naman ang road trip. Para sa mga mahabang byahe o long drive, alamin ang road safety tips para iwas aksidente.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!