ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga salpukan ng sasakyan sa intersection, tinutukan ng 'Alisto'
Paglabag sa right of way at kakulangan ng traffic signs… ilan lamang ito sa dahilan ng mga salpukan sa intersection ayon sa eksperto.




Kabilang na riyan ang salpukan ng isang kotse at bisikleta sa Barangay Moonwalk, Parañaque City. Mabuti na lang, ang bisikleta at hindi ang binatilyong siklista ang pumailalim sa kotse. Pero ang driver ng kotse muntik pang takasan ang biktima. Samantala, sa Maceda St. corner Laong-Laan, Quezon City, motorsiklo naman ang sumalpok sa kotse. Nagtamo ng mga bali sa balikat at sa tagiliran ang rider. Ang masaklap pa, tinakasan ng driver ng kotse ang biktima.
Paano nga ba maiiwasan ang ganitong peligro? Kasama ang isang road safety expert, magbabahagi ang Kapuso actor na si James Teng ng mga dapat tandaan kapag nagmamaneho sa intersection.
Samantala, tampok din sa Alisto ang mga insidente ng away-magkapitbahay na hindi lang bangayan at patutsadahan… kung minsan nauuwi sa pisikalan. Paano maiiwasan ang ganitong gulo?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
Tags: pr
More Videos
Most Popular