ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga modus ng kawatan sa jeep, tampok sa 'Alisto'


 


 


Base sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group, halos dalawang libong aksidente ang kinasangkutan ng mga tricycle sa bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon. Ilan sa mga ito, caught on cam!

Sa kuha ng dashboard camera sa Silang, Cavite,  makikita ang isang tricycle na sinubukang mag-overtake sa isa pang tricycle. Ang resulta…disgrasya! Mabilis ang takbo ng nag-overtake na tricycle kaya nawalan ng kontrol ang driver at sumemplang ang tricycle. 

Samantala, isang nakaparadang SUV sa gilid ng kalsada naman ang naging sanhi ng aksidente sa Las Piñas City. Isang tricycle ang sumalpok sa SUV. Halos sakupin na kasi ng SUV ang isang lane. Natumba ang tricycle at nadaganan ang driver.

Ang mga ganitong peligro maaari naman daw maiwasan ayon sa eksperto, basta may disiplina ang mga motorista. Magbibigay rin ng ilang Alisto tips para sa mga tricyle driver ang aktor na si Jestoni Alarcon.

 


Maliban sa mga aksidente, talamak pa rin ang mga modus sa pampublikong sasakyan tulad ng jeep. Itinuturing ang jeep na pangunahing paraan ng transportasyon nating mga Pinoy. Pero paano kung sa inyong pagsakay…may kawatan na sumalakay?

Isang pampasaherong jeep ang hinoldap ng tatlong lalaki. Isa sa mga pasahero ay tinutukan ng baril. Pumalag ang pasahero at hindi binitawan ang kaniyang bag.

May mga pagkakataon naman na ang mga kawatan, hindi na kailangang sumakay ng jeep para makapambiktima. Ang siste, nanghahablot na lang ang ilan mula sa mga bintana ng jeep.

Paano makaiiwas ang mga pasahero sa ganitong peligro? Ilang self defense tips ang ituturo ng eksperto. Ang Kapuso actress na si Meg Imperial, magbabahagi rin ng ilang paalala sa mga sumasakay ng jeep.

 Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

Tags: pr